1. Di ko nais ang yaman ng mundo
katanyagan at puri ng mga tao
pagka't isa lamang ang hanap ng puso
isang mithiing walang katumbas
Koro:O Diyos, maihandog ko lamang buhay ko
at ang kalayaan
O Diyos, makapiling ka lang buhay ko
ay sapat na tunay O Diyos
2. Higit ka pa sa pilak at sa ginto
Mga hiyas at mamahaling bato
Karangyaan tagumpay at talino
Higit ka pa sa lahat ng ito (Koro)
3. O mundo anong maiaalay mo
Kapalit ng buhay kay Kristo
Kailan pa man ay hindi magbabago
Katapatan ng Panginoon ko (Koro)
End: O Diyos