Purihi't Pasalamatan

Purihi't Pasalamatan

Koro:Purihi't pasalamatan sa masayang awit
Purihin natin at pasalamatan ang D'yos ng pag-ibig

1.   Sa 'Yo Ama salamat sa mayamang lupa't dagat
at sa magandang kalikasan at sa aking tanang buhay

2.  Salamat din kay Kristo sa Kanyang halimbawa.
at sa buhay Niyang inialay sa ating kaligtasan

3.  At sa Espiritu Santo salamat sa 'Yong tanglaw
na nagbibigay ng liwanag sa taong humahanap

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -